Advertisers

Advertisers

1 year nalang eleksyon na: Higit 3 million bagong voters – Comelec

0 248

Advertisers

GAGAMITIN ng Comelec ang one year countdown para mapalakas pa ang public awareness at public interest para sa paparating na 2022 presidential and local elections.
Kabilang sa mga nakatakdang aktibidad ang ilang online events, kasama na ang voter’s education at konsultasyon ukol sa gagamiting proseso ng halalan at ang posibilidad na magkaroon ng expanded absentee voting system.
Kasabay nito, tuloy-tuloy naman ang voter’s registration nationwide.
Sa ngayon, mahigit 3-million na bagong voter registrants na ang inaprubahan ng poll body.
Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, tinatayang mahigit 200,000 pang aplikasyon ang kanilang sinusuri.
Pero sa ngayon, suspendido pa rin ang voter registration hanggang Mayo 14 sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa MECQ.
Magtatapos naman ang pagpapatala ng mga bagong botante hanggang Setyembre 30, 2021. (Josephine Patricio)