Advertisers
TAHASANG kinontra ni Vice President Leni Robredo ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga walang suot na face mask dahil hindi umano ito produktibo at posibleng mas lalong magkahawa-han pa sa loob ng bilangguan.
Ayon kay Robredo, sa halip na arestuhin ay mas dapat na ipaunawa sa mga tao ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask.
Dagdag pa nito, “counter productive” kung aarestuhin ang mga tao dahil siksikan ang mga bilangguan na posibleng pagmulan ng pagkahawa-hawa.
Hindi rin umano tama na sa simpleng paglabag sa pagsusuot ng face mask ay aarestuhin agad ang violators dahil maraming mas malala ang paglabag sa batas subalit hindi nahuhuli o kinakasuhan.
Magugunitang ipinag-utos ni Duterte na arestuhin ang mga walang suot na face mask at ang mga may suot subalit nakababa ang face mask.
Paulit-ulit na ipinapaalala ng Department of Health (DOH) na ang pagsusuot ng face mask at social distancing ang mga unang depensa natin laban sa covid-19. (Jonah Mallari)