Advertisers
AMINADO ang Department of Tourism na labis ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa turismo sa bansa.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Puyat, sinabi nito na mula sa P13.7 billion na kita nito ay sumadsad ito sa P2 billion.
Sinabi pa ng kalihim nasa 85% umano nito ay mula sa Bicol Region.
Sa kabila nito, sa ilalim umano ng Bayanihan 2 ay mayroong nakalaan na P3 billion para sa mga tourism workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Mula sa naturang pondo, 100 million dito ang nakalaan para sa mga tour guides na makakatanggap ng P5,000.
Sa ngayon aniya, nasa P73.4 million na ang naipamahagi sa mga tourism workers sa Bicol Region, o katumbas ng nasa 14,877 na mga indibidwal na nawalan ng trabaho.
Samantala, ayon naman kay Region V DOT Director Fe Buela, nasa 80-85% na mga tourist destination na sa Bicol Region at 90% naman ng mga hotels and resorts ang bukas sa buong rehiyon.
Sa ngayon, patuloy pa rin umano ang isinasagawang pagtulong ng ahensya sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.