Advertisers
INANUNSYO ni Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director General, Gabriel Chaclag, na pumanaw na nitong Huwebes ang cult leader at dating mambabatas na si Ruben B. Ecleo Jr.
Sa pahayag ni Chaclag, sinabi nito na ‘cardio pulmonary arrest’ ang ikinasawi ni Ecleo 12:20 ng tanghali habang nasa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
“Other medical conditions include obstructive jaundice and chronic kidney disease secondary to obstructive uropathy,” sabi ni Chaclag.
Ayon pa sa opisyal, nagkaroon ng Covid-19 si Ecleo ngunit isang linggo na mula nang makarekober ito.
Nitong nakaraang buwan lamang naospital ng tatlong araw ang dating mambabatas dahil sa problema sa atay at iba pang komplikasyon.
Si Ecleo ay dating “supreme leader ng Philippine Benevolent Missionaries Association at naging kongresista mula sa San Jose, Dinagat Islands.
Naaresto si Ecleo noong Hulyo 2020 dahil narin sa samo’t saring kaso tulad ng graft at parricide nang patayin niya ang sariling asawa.