Advertisers

Advertisers

COVID UPDATE: 4,487 BAGONG KASO; 6,383 GUMALING; 110 NASAWI

0 210

Advertisers

NANATILING mababa ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitatala kada araw.
Batay sa case bulletin ng DEpartment of Health (DOH) nitong Martes, Mayo 18, umabot lamang sa 4,487 ang nadagdag sa bilang ng nagpositibo sa naturang sakit.
Gayunman, pumalo na sa 1,154,388 ang kabuuan nito kung saan nanatiling aktibo naman ang 52,291 na mga kaso.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,383 na gumaling at 110 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (52,291) ang aktibong kaso, 93.8% (1,082,725) na ang gumaling, at 1.68% (19,372) ang namatay.
Nasa 24 duplicates naman ang inalis mula sa total case count kung saan 22 ang recoveries.
Bukod dito, 64 kaso ang na-itag na recoveries ngunit na-reclassified bilang deaths matapos ang final validaton.
Samantala, nagpaalala ang DOH sa publiko na huwag maliitin ang anumang sintomas ng COVID-19 upang lubos na mabawasan ang pagkakataong magkahawaan sa loob ng mga tahanan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)