Advertisers

Advertisers

Trabahador, indigents inirekomenda mabakunahan sa katapusan ng Mayo

0 228

Advertisers

IMINUNGKAHI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte na simulan na ang pagbabakuna sa mga priority workers at indigent population sa katapusan ng buwan ng Mayo.
Pahayag ni Galvez, ito ay para mapabilis na rin ang rollout ng COVID-19 vaccines gamit ang ilang milyong bakuna mula sa COVAX Facility.
Maging ang Senado ay ganito rin ang rekomendasyon, na simulan na ang pagbakuna sa A4 at A5 category para mawala na rin ang agam-agam sa mag-e-expire nang AstraZeneca vaccines, ayon kay Galvez.
Ayon kay Galvez, base sa datos mula sa National Economic Development Authority (NEDA), mayroon nang 12.8 million manggagawang Pilipinas sa ilalim ng A4 category at 16 million indigent Filipinos sa ilalim naman ng A5 category.
Bilang sagot, sinabi ni Duterte na ang pagbabakuna sa mga vulnerable ay isa nga sa kanyang mga nauna nang proposals.
Kasabay nito ay sinabihan ni Duterte si Galvez na gawing prayoridad sa COVID-19 vaccination program ang mga mahihirap. (Josephine Patricio)