Advertisers
NAKATAKDANG dumating sa bansa ang nasa 300,000 doses ng Moderna vaccine.
Ayon kay Philippine Ambassador to the united States Jose Manuel Romualdez, sa ika-21 ng Hunyo darating sa Pilipinas ang unang batch ng bakuna mula sa Moderna.
Sinabi ni Romualdez, may mga makukuha pang delivery ang bansa sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre.
Aabot sa 20 milyong dose ng bakuna ang natiyak ng Pilipinas mula sa Moderna. Sa nasabing bilang ng dose, 13 milyon dito ang binayaran ng gobyerno, habang ang pitong milyon naman ay binayaran ng mga pribadong sektor.
Base sa pag-aaral ng Food and Drug Administration (FDA) nasa 94% ang efficacy rate ng Moderna vaccine, at maari itong iturok sa mga nasa edad 18 pataas.