Advertisers

Advertisers

Kasambahay dapat isama sa vaccine prioritization

0 224

Advertisers

PINASASAMA ni Probinsyano Ako Party-list Rep. Jose “Bonito” Singson sa A4 category ang mga kasambahay.
Punto ng kinatawan, halos lahat ng employed o nagtatrabahong Pilipino ay masisimulan nang mabakunahan kontra COVID-19 ngunit hindi aniya kasama dito ang nasa 1.2 million domestic helpers.
Paliwanag ni Singson, kung target na maprotektahan ang isang kabahayan mula sa virus, dapat maisama rin sa vaccine priority list ang mga kasambahay na maituturing na ‘essential worker’.
Aniya, ang mga kasambahay ang mas madalas lumalabas ng bahay para pumunta sa mataong lugar tulad ng palengke, grocery at botika.
Dagdag pa ng mambabatas batay sa RA 10361 o Domestic Workers Act, mandato ng estado at ng employer na protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng domestic helper dahil sa peculiar nature ng kanyang trabaho.
“Hindi naman dahil kasambahay ang tawag sa kanila ay puro work from home na ang trabaho nila. Marami sa kanila ang namamalengke, pinabibili ng mga gamot sa drug store, nagpupunta sa sari-sari store o groceries; naglalabas ng basura at marami pang ibang gawain sa labas ng bahay,” saad ni Singson. (Henry Padilla)