Advertisers

Advertisers

Sen. Poe pinababayaran sa PhilHealth mga utang sa ospital

0 254

Advertisers

MULING umapela si Senadora Grace Poe sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na madaliin ang pagbabayad sa mga public at private hospital at isantabi ang hindi kailangang pa-mamaraan na makakapinsala sa kakayanan ng healthcare institutions para isagawa ang kanilang napakahalagang tungkulin.
Sinabi ni Poe na kailangan matugunan ng PhilHealth ang lahat ng hospital claims na hindi nabayaran gayundin ang tinatawag na ‘return-to-hospital (RTH) claims’ na banta sa viability ng mga ospital na ito.
Batay sa report ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC), 1,641 claims o mahigit P22.98 milyon pa ang hindi nababayaran ng PhilHealth nitong Setyembre 20, 2020, habang ang RTH claims ay P11.60 milyon na kumakatawan sa 683 claims. Nakasaad din sa report na ang mga RTC claim ay ibinabalik sa mga ospital ng PhilHealth dahil sa kakulangan ng ilang requirement.
Noong 2019, hindi binayaran ng PhilHealth ang 1,595 claims sa PCMC na nagkakahalaga ng P15.31 milyon.
Ayon pa sa COA report, sinabi ng PCMC na mahigit 126 porsiyento ang tinanggihang bayaran ng PhilHealth mula 2019 hanggang katapusan ng Setyembre 2020 na nagresulta sa pagkalugi ng ospital ng P34.59 milyon.
Para sa National Kidney at Transplant Institute, hindi rin binayaran ng PhilHealth ang 2,387 claims na P30.31 milyon at RTH claims na 15,601 na P122.81 milyon.
Bukod dito, hindi parin nababayaran ng PhilHealth ang 2,432 claims ng Philippine Heart Center na P38.92 milyon at RTH claims na 1,475 na P32.25 milyon.
Ayon pa sa COA report, sa tatlong government hospitals na ito, kabilang sa mga dahilan ng pagtanggi sa mga claim ay ‘unpaid premium contributions’ at paglabag sa PhilHealth circulars tulad ng paghahain ng lagpas sa 60 araw, confinement na hindi mas mababa sa 24 oras, at ang doktor na gumamot sa pasyente ay hindi accredited ng PhilHealth.
“Hospitals facilitate the healing and recovery of our sick citizens. They expect PhilHealth to step up its efforts without letup amid the health crisis,” saad ni Poe.
Base sa COA, may 4,953 set ng PhilHealth agent receipts pa ang unaccounted o hindi naiuulat at ilan sa agent receipts ay inisyu sa mga ospital na wala nang accreditation sa PhilHealth.
Sa 2020 COA report, sinabi ng PCMC na sumusunod ang kanilang billing and claim division sa panuntunan ng PhilHealth at sinisisi ang biglaang pagbabago sa ‘evaluation of claims’ ng ahensiya na hindi ibinase sa circular at polisya at ilang technical glitches ng PhiliHealth system. (Mylene Alfonso)