Advertisers

Advertisers

Pagdura, pagsinga bawal na sa Caloocan

0 209

Advertisers

UMABOT na sa 147 ang namamatay sa COVID-19 sa Lungsod ng Caloocan, sinabi sa social media ni Mayor Oscar Malapitan.
Ayon sa alkalde, iniulat ng Caloocan Health Department na hanggang 7:00 ng gabi Ng Agosto 15 ay 3,672 na ang nagpopositibo sa nakamamatay na sakit habang 1,832 ang gumaling.
Kaugnay nito, pagmumultahin na ng hindi bababa sa P1,000 o makukulong nang hindi bababa sa 10 araw ang sinumang mahuhuling dumudura o sumisinga sa mga pampublikong lugar sa lungsod.
Ito ay matapos na ipasa ng Sanggunian ng Lungsod ang Ordinance No. 11-111, ‘Anti-spitting’ ordinance na naglalayon ding bawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa Caloocan.
Nakasaad sa ordinansa na “no person shall carelessly, deliberately or indiscriminately spit saliva or expel phlegm, mucous, or other substances from the mouth or from the nose in public streets, alleys, sidewalks, parks, squares, malls, markets, halls, public motor vehicles, buildings, banks, terminals, shopping and business centers, schools, churches, hospitals, clinics, and other public places.”
Bagama’t ang pagdura sa mga pampublikong lugar ay ipinagbabawal na sa ilalim ng anti-littering ordinance noon pang 2018, sinabi ni Konsehal Orvince Hernandez, may-akda ng ordinansa, na kailangan ang mas mahigpit at komprehensibong ordinansa sa lungsod sa gitna ng pandemya.
Para sa unang paglabag, ang mahuhuli ay pagmumultahin ng P1,000 at oobligahing dumalo sa health seminar na isasagawa ng City Health Department o ipakukulong ng 10 araw, o pareho depende sa korte.
Sa ikalawang paglabag ay P5,000 na ang multa o pagkakulong ng isang buwan o pareho depende sa korte. (Beth Samson)