Advertisers
IPINAUUBAYA na ni Senador Christopher “Bong” Go sa Philippine Health Insurance Corporation para linawin ang kanilang obligasyon sa Philippine Red Cross kaugnay sa utang na halos isang bilyong piso.
“I leave it to PhilHealth to clarify regarding its standing obligation to the Philippine Red Cross for the COVID-19 testing,” wika ni Go, chairman ng Senate committee on health.
Ayon kay Go, kinikilala nito ang importanteng papel ng Red Cross sa ating bansa lalo na sa paglaban sa pandemya.
Kaya mahalaga aniya na maayos ang dapat ayusin sa lalong madaling panahon at mabayaran ang dapat na mabayaran sa paraan at halagang naaayon sa batas ayon kay Go.
“As I have repeatedly said before, government needs to properly utilize its funds to effectively respond to the crisis at hand. Wala dapat nasasayang kahit piso. Now more than ever, every single peso counts,” dagdag ng senador.
Matatandaang nagbigay na ng ultimatum si Sen. Richard Gordon, na mapipilitan silang ipatigil ang COVID-19 testing ng Philippine Red Cross kapag hindi nakapagbayad ang PhilHealth ng kanilang balanse na aabot sa halos isang bilyong piso na pambili ng mga testing kits at pambayad para sa mga tao. (Mylene Alfonso)