Advertisers

Advertisers

DAR at DA kakalampangin sa bigong land reform

0 452

Advertisers

MAGRA-RALLY sa Hunyo 10, 2021 (Huwebes) ng umga ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) dahil sa kabiguan umano nitong tuparin ang obligasyon para ipatupad ang comprehensive and genuine agrarian reform na mahigit tatlong (3) dekada matapos magtapos ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) makaraang maisabatas siyam (9) sa sampung (10) magsasaka ay nanatiling walang lupa na sinasaka.

Sinabi ng KMP na nabigo ang DAR ng pangangailangan para pantay pantay na pamamahagi at land ownership, agricultural productivity at tenurial security para sa land tillers.

Sinabi ng KMP ang DAR sa ilalim ng kasalukuyang administration ay napabayaan umano ang pangmatagalang pangangailangan para sa libreng pamamahagi ng lupa at nabigong paunlarin ito ang kalidad ng pamumuhay ng mga masasakang Pilipino.



Ayon pa sa grupo ng magsasaka si Agrarian Reform Secretary Brother John Castriciones ay nag-utos kamakailan ng pamamahagi ng lahat ng land titles na magagamit matapos umanong madiskubre ang libo libong land titles nan aka-stock sa sako sa tanggapan ng DAR-Cebu.

Magugunitang nauna nang ikinadismaya ng grupo ng KMP ang umano’y matagal ng programa ng repormang agraryo ng Department of Agrarian Reform (DAR) na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil matagal ng nailibing umano ang naturang programa makaraang magtapos ito noong 2014.

Idinagdag pa ng KMP na ang DAR-to-DOOR ay hindi naging matagumpay subalit ang counterinsurgency program ng ahensya para biguin ang mga pangako na land to farmers habang tumutulong sa militarization sa peasant communities.

Kaugnay nito binira rin ng KMP ang Department of Agriculture (DA) dahil sa umano’y kawalan ng suporta at serbisyo sa mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries na nagpapadagdag lamang sa kahirapan ng mga magsasaka sa rural population ayon sa grupo.

Samantala kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) subali’t hindi sumasagot sa text message at PM (private message) ang DAR hinggil sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">