Advertisers

Advertisers

P82.5B vaccination program bubusisiin ng Senado

0 283

Advertisers

MAGSASAGAWA ng pagpupulong ang Senate Committee of the Whole sa araw ng Martes (Hunyo 15) upang pag-aralan ang P82.5 billion na vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, nakatakdang mag-convene ng senate committee of the whole upang ma-i-evaluate ang protocols at guidelines ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.

Pangungunahan ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang nasabing pagdinig, kung saan sinabi ni Lacson, na nakapulong na nila ni Sen. Ronald Dela Rosa sina Testing Czar Vince Dizon at Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Huwebes.



Una rito, sinabi ni Sotto na ang kanilang isasagawang pagdinig ay bilang pagtugon sa hirit ng mga senador na pag-aralan ang paggamit o paggastos ng pamahalaan sa bilyong pisong pondo ng gobyerno para sa pagbabakuna.