Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad sa Batangas niresbakan ng nakaalitang tanod

0 919

Advertisers

Lipa City, Batangas – Dead on the spot ang isang barangay councilor nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem, na ang isa’y nakilalang barangay tanod sa lugar, sa Sitio Alibangbang, Purok 7, Barangay Antipolo Del Sur Linggo ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Rene Laylo, 60 anyos, kagawad ng barangay at residente sa Purok 3; habang ang mga salarin ay nakilalang sina Marciano Olan alyas “Sano”, barangay tanod; at ang isa ay nakilala lamang sa alyas “Jack”, kapwa residente sa nasabing bayan.

Sa inisyal na report ng may hawak ng kaso na si Police SSgt. Arnold Roca ng Lipa City Police station, sakay ng kaniyang owner-type jeep ang biktima kasama ang asawa at anak na si Jerome, nasa hustong gulang, galing sa selebrasyon ng pamamanhikan nang harangin ng mga salarin at pinagbabaril gamit ang isang kalibre 45.



Agad nasawi si Laylo dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at katawan.

Nagawa naman agawin ni Jerome ang baril mula kay alyas “Jack” matapos makipambuno.

Mabilis na tumakas ang huli kasama si Olan sa ‘di tukoy na direksyon.

Narekober ng mga otoridad sa lugar ng crime scene ang isang cal.45 na baril (904085) na may lamang magazine at loaded ng 6 bala, cellular phone at isang (1) Suzuki Tricycle na Barangay Patrol na ginamit ng mga salarin.

Nagsasagawa pa ng followup operation ang pulisya para sa ikahuhuli ng mga salarin. Dating alitan ang tinitingnang motibo ng krimen. (Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">