Advertisers
KINUMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatutupad ang mas pinaikling curfew hours simula bukas, Hunyo 15.
Pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos, nagkasundo ang mga Metro Manila mayors na baguhin ang dating curfew hours na 10 PM hanggang 4 AM sa isinagawang meeting noong Linggo ng gabi.
Ani Abalos, sa halip na 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling- araw, magsisimula ang curfew ng 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.
Dagdag pa ni Abalos, ibinase ng Metro Manila mayors ang desisyon sa data na nagpapakita na ang daily attack rate sa National Capital Region nasa 6.76 % na lang habang ang two week growth rate ay nasa 67.75%.
Nangangahulugan na hahaba rin ang oras ng operasyon ng ibang mga negosyo at establisyimento, na makatutulong aniya para unti-unti nang sumigla ang ekonomiya.
“This will give more time sa mga taong kakain sa restaurants, sa mga malls na magbukas, sa travel time, at siguro, makatulong sa ekonomiya,” ayon kay Abalos. (Josephine Patricio)