Advertisers

Advertisers

Aiko at Marjorie dinedma ang mga ama ng mga anak na nagradweyt sa skul; Julia pumalag na hiwalay na sa mister kaya balik-Pinas

0 354

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SOBRANG kaligayahan ang nadama ng mga nanay na sina Aiko Melendez at  Marjorie Barretto sa pagtatapos ng kanilang anak sa pag-aaral.

Ang anak ni Aiko kay Jomari Yllana na si Andre Yllana ay nagtapos  ng Automotive Mechanic Course.



Si Leon, anak ni Marjorie kay Dennis Padilla ay nagtapos naman high school.

Emosyonal  si  Aiko sa Instagram  na inilahad ang kanyang pinagdaanan para makapag-aral  ang anak.

Inisa-isa naman ni Marjorie ang mga academic honor, certificate  of  recognition at mga medalya ng anak.

Pinasalamatan ni Aiko ang kanyang bunsong anak na si Marthena na siyang nagpu-push  daw  kay Andre para mag-aral nang husto. Pinasalamatan din niya ang kanyang Mommy Elsie, ang yumaong stepdad at boyfriend na si Zambales Vice Gov Jay Khonghun.

Pinasalamatan naman ni Marjorie ang anak na si  Julia Barretto na tumulong para makapag-aral sa maganda at mamahaling  school ang kapatid.



Halos lahat ng dapat pasalamatan ay ginawa nina Aiko at Marjorie maliban lang sa ama ng kani-kanilang anak. Tila dinedma ng dalawa ang ama ni Andre na si Jomari at ama ni Leon na si Dennis.

Ganoon na raw ba talaga ang galit at tampo ng mga ina nina Leon at Andre sa ama ng mga ito?

***

Julia nagsalita na kung bakit nagbalik Pinas at nagtrabaho

KAPAG ang isang artista ay nag-asawa at  nanirahan na sa ibang bansa, tapos ay biglang bumalik ng bansa para magtrabaho uli ay mag-iisip ka agad na may marital problem ito.

Gaya ni Julia Clarete na nang mag-asawa at manirahan na si Malaysia ay nagbalik Pinas kaya tanong ng netizens kung may nangyari raw sa kanilang pagsasama ng husband na si Gareth McGeown.

Dahil sa dami ng nagtatanong at nag-iisip na baka hiwalay na ito sa dayuhang mister, nagsalita na rin si Julia.

“I  might  as  well  address it now. Kasi ang dami  ngang  artistang  ganyan na  kapag  nag-settle  down tapos umalis  ng bansa, nagbalik artista, yun pala boom!  May naging  marital problem. It  happens  a  lot.

“But in my case  kasi  when I  left  Eat Bulaga for  Malaysia  it  was to join Gareth  kasi  were  gonna  settle  in na, we  were  gonna  get married.

“Tumawag sa kanya yung company (Cola-Cola Philippines). Kasi  he  was  running  na Singapore, Malaysia and Brunei. He was running three countries as the CEO  of Cola-Cola. Tinawagan siya ng Coke. Sinabi sa kanya gusto mo bang  i-take on ang Philippines.`Sabi niya, “You want  to  go back home?”  I said, “Do you want to take on the Philippines?”  Eh love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya  galing before. Ako, hindi ko maikakailang  miss na miss ko ang Pinas. So, sabi ko, “Tara.”

“And  he  was  very happy na parang  I  didn`t  mind  coming  back, na we  will be  susceptible to intrigues, but  it  was  purely  for his  work and ang saya namin dito. So he is now  the CEO  of Cola-Cola  Bottlers in the Philippines.”

Kaya naman nang may offer nang magbalik Pinas ay kanyang tinanggap  at  tumanggap din siya ng Indie film.