Advertisers
PATAY ang isang kasapi ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police at 23 iba pa ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trak sa Barangay Dolores, Las Navas, Northern Samar, Miyerkoles ng madaling araw.
Kasama sa mga nasugatan ang 21 pang pulis at 2 dating rebelde na nagsilbi bilang guide ng grupo.
Ayon sa isang SAF member na nagmaneho ng isa sa mga trak, nawalan ng preno ang kanyang minamanehong behikulo kaya nabangga niya ang likurang bahagi ng sinusundang trak ng SAF.
Dahil dito, nagtuloy-tuloy sa bangin na may lalim na 40 talampakan ang dalawang trak.