Advertisers
TODAS ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) hit squad Special Partisan Unit (SPARU) sa Barangay Minapasuk, Calatrava, Negros Occidental nang makaengkwentro ng militar noong Martes, Hunyo 22.
Sa report ng Philippine Army 79th Infantry Battalion (IB), kinilala ang napatay na si Jhonrey Pahayahay, miyembro SPARU ng Northern Negros Front, Komiteng Rehiyon-Negros.
Sinabi ni Lt. Col. J-jay T. Javines, commanding officer ng 79IB na nakabase sa Sagay City, pinagbabaril ng hindi pa malamang bilang ng rebeldeng komunista ang kanyang mga tauhan na noo’y nagsasagawa ng security operation sa Sitio Icugan 5:00 ng umaga.
Nakipagpalitan ng putok ang tropa ng gobyerno na umabot ng mahigit limang minuto.
Matapos ang palitan ng putok, naiwan ang walang buhay na katawan ni Pahayahay.
Nakakuha rin ang military ng isang kalibre .45 baril at kalibre .38 revolver.