Advertisers

Advertisers

‘TIGERS ARE READY TO ROAR’

Davao Occ. Cocolife 5 sa MPBL...

0 294

Advertisers

NAKUKUNTENTO muna sa virtual drills training at komunikasyon – pulong via zoom ang management, coaches at players ng Davao Occidental Cocolife Tigers sa panahon ng quarantine na isa sa nangungunang koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Ayon kay Tigers deputy manager Ray Alao, nananatili sa kondisyon ang kanilang mga manlalaro dahil sa naturang bagong estilo ng pagsasanay pati na ang aktwal na ensayo sa kanilang bakuran habang nakatengga ang liga katulad ng ibang sports activities dhilan sa outbreak ng coronavirus pandemia na huminto noong nakaraang Marso pa hanggang sa kasalukuyang buwan ng Agosto.
Ngayong nalagay na uli sa GCQ status ang National Capital Region habang MGCQ na sa halos buong kapuluan kabilang na ang Davao Region ay sumilay ang pag-asang makababalik na sa aktuwal na ensayo ng mga papayagang sport ng IATF kasama na ang basketball.
Ang Davao Tigers ni team owner Rep. Claudine Bautista na suportado ng Cocolife nina President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque, na nangunguna sa South Division sa Lakan Cup ng MPBL ay nakatakdang makipag-rubbermatch game 3 finals sana kontra Basilan habang sa North Division ay nasa game 3 finals din ang defen-ding national champion San Juan kontra Makati kung saan ang mga magwawagi sa magkabilang dibisyon ay magtutunggali sa pambansang kam-peonato bago ito naipagpaliban dahil sa Covid-19.
Kailangan namang laging handa ang mga nabanggit na koponan dahil sa oras na aprubahan na ng IATF ay tuloy ang kanilang kampeonato sa new normal.
“Zoom meeting live at FB training ng team muna ang Davao. Para pag biglang magkaroon ng go signal ay ready to fight tayo,” wika ni Alao habang dinidetalye rin ang mga aktibidad na paglilingkod-bayan ng mga top brass ng DavOcc Tigers. “Sina Gov. Claude at Boss (manager) Dinko Bautista ay busy sa pag tulong sa Davao Occidental Malita para sa mga taong nangangailangan kasama si boss Bhong Baribar. Nagpaani sila sa mga farm ng gulay at pati manukan saka bakahan para sa ayuda,” dagdag pa ni Alao.
“Si Congresswoman Claudine naman ay abala rin sa pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo sa kanyang constituents sa Dumper Party List. Anytime na may go signal na para sa pagbabalik aksiyon ng MPBL, the Tigers are ready to roar!.”(Danny Simon)