Advertisers

Advertisers

2 Koreano pinigil ng BI sa pekeng kasal sa Pinay

0 261

Advertisers

NAPIGIL ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang dalawang South Korean national na tinangkang pumasok sa bansa sa pagpapakita ng mga pekeng dokumento na umano’y kasal sa Filipina.
Pinagbawalan narin ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang Koreans na sina Shin Bumsik at Woo Jungje na makapasok sa Pilipinas at isinama na ang kanilang pangalan sa Immigration blacklist of undesirable aliens.
Paliwanag ng BI Chief, ang pagkakaroon ng entry visa ay hindi garantiya sa isang dayuhan na makapasok ng bansa dahil may mandato at diskresiyon ang immigration officers na busisiin ang dokumento ng lahat ng papasok na dayuhan.
Sinabi ni BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina na ang dalawang South Korean nationals ay hindi na isinama sa Mactan airport matapos silang dumating sakay ng isang Aseana Airlines galing Seoul.
Ayon pa kay Medina, ang dalawa ay may tourist visa at nagpakita ng kopya ng marriage certificates na kasal sila sa Filipina pero napag-alamang ito’y mga peke. (Jocelyn Domenden)