Advertisers

Advertisers

Dalaga tumalon sa 3rd floor ng mall

0 341

Advertisers

NUEVA ECIJA – Nasawi ang isang dalaga nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng SM City Cabanatuan na malapit lang sa nagsasagawa ng Resbakuna kontra Covid-19 nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Mary Joice Dizon, 22, ng Aliaga, Nueva Ecija.

Sa ulat, 2:00 ng hapon nang tangkain ng biktima ang pagtalon mula sa ika-3 palapag ng mall na ilang metro lang ang layo sa mga taong nakapila kaugnay sa isinasagawang bakunahan doon.



Tinangka ng ilang mga tao roon na pigilan ang dalaga ngunit pilit umanong nagpumiglas ito at nang makawala tumuntong sa kinuhang monoblock chair bago tumuntong sa mataas na barrier ng mall at tumalon na.

Agad pinuntahan ng SM City rescue team ang biktima at buhay pa ito nang isugod sa pagamutan pero namatay din dahil sa fracture sa likuran nito.

Ayon sa tatay ng biktima na si Juancho Dizon, maaaring nakakaranas ng depression ang kanyang anak nang mapansin nila na tila malulungkutin ito at may malalim na iniisip ilang araw bago mangyari ang insidente.