Advertisers

Advertisers

PDEA agent dinukot sa opisina sa Pampanga

0 254

Advertisers

UMAAPELA ng tulong sa mga kinauukulan ang pamilya ng isang anti-narcotics agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula Mountain Province na nawawala matapos ang sinasabing pagdukot dito noong June 25, Biyernes, ng taon.

Kinilala ang biktima na si PDEA Investigation Agent Officer 1 Merton T. Fesway, 38 anyos, mula Bontoc, Mountain Province, nakadestino sa provincial office ng PDEA sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat, dinukot umano ng mga state agent si Fesway sa labas mismo ng opisina ng PDEA sa Angeles City.



June 28, sumulat ang isang abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) kay PDEA Region III Director Christian Frivaldo, para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkawala ng isa sa mga operatiba nito.

Sinabi naman ng abogado ng PAO kay Frivaldo na lahat ng police stations sa Angeles City, kasama na ang Angeles City Drug Enforcement Unit, Mabalacat at Dau police stations, ay nag-abiso na sa pamilya ni Fesway na wala sa kanilang kustodiya ang nawawalang agent.

Ipinaabot naman ng Angeles City Prosecutor’s Office sa PAO na walang kaso na naisampa laban kay Fesway mula ng sinasabing pagdukot dito hanggang noong June 29.