Advertisers

Advertisers

Alert level 3 itinaas… BULKANG TAAL MULING SUMABOG!

0 372

Advertisers

BATANGAS – Itinaas na ng Phivolcs sa alert level 3 o magmatic unrest sa dati nitong kalagayan na alert level 2 o increasing unrest ang Bulkang Taal matapos na magbuga ito ng maitim at makapal na usok na tinatawag din na phreato magmatic plume main crater ng nasabing bulkan dakong 3:16 ng hapon ngayong Huwebes na tumagal ng limang minuto.

Umabot sa isang kilometro ang taas ng makapal na usok ng Bulkang Taal at wala namang naganap na paglindol.

Sinabi naman ng DOST-Phivolcs na dahil nakataas na sa alert level 3 ang bulkan, ang ibig sabihin ay meron na itong magmatic intrusions sa main crater o bunganga ng bulkan na maaring magkaroon ng magkakasunod na pagsabog.



Inirekomenda na ng Phivolcs ang paglikas sa mga high risk na barangay sa bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas dahil sa posibleng mapanganib na pyroclastiak density currents at volcanic tsunami.

Pinaalalahanan din ang publiko na ang buong Volcano Island ay idineklarang Permanent Danger Zone (PDZ) at ipinagbabawal ang ang pagpasok dito gayundin sa mga high-risk barangay ng mga nasabing bayan.

Pinagdodoble ingat din at kailangan sumunod sa mga precautionary measures sa mga posibleng lake water disturbances ang mga residenteng malapit sa Taal Lake shore dahil sa nangyayaring pag-aalburoto ng bulkan. (Koi Laura)