Advertisers

Advertisers

IKaw Muna (IM), Pilipinas Movement, ilulunsad!

0 473

Advertisers

MAGTITIPON ang mga grupong Ikaw Muna, (IM) Pilipinas, nationwide movement of sectoral groups, civil society organizations, religous groups, academe, fraternities at mga dating local officials, upang hikayatin si Manila Mayor Isko ‘Yorme’ Moreno na tumakbong presidente sa darating na 2022 presidential elections.

Gaganapin ang naturang pagtitipon ngayong Biyernes (July 2, 2021), 8:00 ng umaga sa University Hotel, Guerrero corner Aglipay Streets, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Pangungunahan ang nasabing pagtitipon ni dating MMFA General Manager at IM Pilipinas lead convenor, Tim Orbos; katuwang sina former Sec.-Gen. ng Liga ng Barangay ng Pilipinas, Jun Zuñiga; entrepreneur, civil society leader and Parents Enabling Parents (PEP) president Philip Piccio; at Elmer Argaño, former Deputy Executive Director of the Inter-Angency Council for Traffic (i-Act), bilang mga co-convenors, at dadaluhan din ng mga group’s key organizers at supporters mula Metro Manila, Rizal at Cavite.



Magpapahayag din ng kanilang mensahe ng pagsuporta sa IM Pilipinas sina Constitutionalist and Dean of Graduate School of Law ng San Beda College, Fr. Ranhilio Aquino; at transport leader Jun Magno, ng Stop and Go Coalition.

Sa nasabing pagtitipon ipapahayag nila ang kanilang mga naging basehan kung bakit naniniwala silang si ‘Yorme’ ang susunod na karapat-dapat na maging pangulo ng Republika ng Pilipinas, kapag napagdesisyunan na niyang tumakbo para sa 2022.