Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SI Bea Alonzo na nga raw ang award-winning actress na pinakabagong Kapuso.
Naguluhan ang netizens sa mga clue na ibinigay ng GMA nung una dahil award winning actress daw pero si Bea ay ‘di naman daw ganun ang nahakot.
Sumagi tuloy sa isip ng netizens na baka si Judy Ann Santos or Maricel Soriano ito.
Kung dati ay isyu ang taas ng talent fee ni Bea kaya naudlot ang pagiging Kapuso nito, malamang nga raw na kinagat na ito ng GMA. Hmmmp!?
***
MISMONG si John Lloyd Cruz na nga ang sumagot ukol sa pics na nagkalat sa socmed.
May post kasi na nandun si Katrina Halili sa resthouse ni Lloydie sa Batangas.
Pinabulaanan at mariing itinanggi ni John Lloyd na si Katrina na ang bago nitong girl.
Ayon kay John Lloyd ay basically family lang ang turing niyo kay Katrina.
May nali-link na non-showbiz bf si Katrina kaya naitanong kung kasama rin niya ito sa Batangas.
Ayon naman sa tsika, pamilya lang umano ang kanyang kasama at itinanggi rin ang nali-link na non-showbiz bf.
May sitsit na tuloy na si John Lloyd sa GMA-7, may movie at serye nga raw itong gagawin.
Well, well, well…’Yun na!