Advertisers
Ni ATTY. NICK NAÑGIT
NOONG isang linggo, araw ng Huwebes, natanaw ang Buwan na tila kakaiba ang kulay. Ito ay dahil sa liwanag ng Araw na naaaninag, kaya’t nagmimistulang isang masarap na strawberry.
Ang tawag dito ay Strawberry Moon, dahil naghuhudyat ito sa paghinog ng mga wild strawberries, ayon sa mga katutubong Indians ng hilagang Amerika. Ito rin ay ang huling Super Moon ng taon dahil napakalapit nito sa ating planeta. Natunghayan ito sa araw ng diyos ng kulog na si Thor, ayon naman sa mga sinaunang Norse ng Europa, at sa oras pa ng Tandang.
Dahil nasa konstelasyong Capricorn, apektado ito ng Buwan at ang tatlo pang cardinal zodiac signs na Aries, Libra, at Cancer. Maging ang ibang zodiac signs na may mga ruling planets nito sa kanilang mga birth charts ay apektado rin.
Mararamdaman ang pagtulak sa hangganan ng kakayanan. Masusubukan ang lakas at pagtitiis. Magiging matinding kalaban ang sarili, at hahanapin ang totoong kasiyahan.
Tututok ang lahat sa karir, organisasyon, at paglago ng kahit na anong tinatamasa kaya lang nakaabang din ang hatak ng tahanan habang nagaganap pa ang PlutoRx at SaturnRx na may kinalaman sa rebelasyon at karma. Kung anumang pagkilos ang gagawin ngayon ay tiyak may haharaping kapalit ito pagdating ng panahon.
Pansinin ang tatlong artista na biglang natauhan ngayon sa kanilang mga ginagampanang papel sa totoong buhay bilang mga ama.
Nandiyan si Alwyn Uytingco na matapos hiwalayan si Jennica Garcia ay bumabalik at sinasabing mahal na mahal niya ito at ang kanilang mga anak.
Nandiyan din si Buboy Villar na nagsabing ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng paglaki sa kalupitan ng sariling ama.
At nandiyan din si Mike Tan na mas pinili pang tumutok pansamantala sa sariling anak kaysa humarap sa camera.
Kung ang tatlong amang ito ay tinalikuran muna ang puting tabing, buong tapang namang hinarap ng isang hindi pa ama ang hamon ng mga mapangahas na eksena sa kanyang bagong indie.
Siya ay si Paolo Gumabao na unang napanood sa Batang Poz. Sasabak siya sa Boy Abunda Originals sa internet na pinamagatang Lockdown. Dinirehe ito ni Joel Lamangan.
Sa ngayon hanggang sa Bagong Buwan o New Moon, mag relax muna tayo at pag-isipan kung ano ba talaga ang nagpapasaya sa atin. Hahayaan ba nating maging madilim ang bukirin o palalaguin ito ng mga strawberry?
Makatutulong ang meditation, yoga, at earthing o ang paglalakad nang nakapaa sa hardin o dalampasigan, para maramdaman ang positibong enerhiyang ibinibigay ng kalupaan. Makibahagi sa kagalakang dala ng mga tanim, puno, at lahat ng bunga rito. Linisan at kargahan ang mga kristal at gamit mahika.
Bagama’t may umaaligid pa ring negatibong enerhiya, huwag magpapadala rito. Maging mapagmasid lang. Maging mapanuri. May nagnanais bumalik at manamantala sa buhay. Gagamitin nito ang sariling tahanan para sa kasakiman, dahil ang elementong Hangin ay maghahangad ng kaperahan. Huwag magpapalinlang.
Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe at Watch lang sa Nickstradamus channel ng YouTube, lalo na ang LIVE nito tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Saksihan ngayong Hulyo 2 ang Channeling o Paglalakbay natin sa ibang dimensyon para sa mensahe ng mga yumao na. Huwag ito palalagpasin.
At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, o sa mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com.
Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!