Advertisers
PINABORAN ni ex-Senator JV Ejercito ang kapatid nitong si dating Senador Jinggoy Estrada na dapat may isang Estrada lang na tumakbo sa 2022 elections.
Una itong sinabi ni Jinggoy sa kaniyang pangangandidato noong 2019.
Ngunit ayon kay Ejercito, mukhang mauulit lamang ang sitwasyon nilang magkapatid gaya noong 2019 dahil nagpahayag na rin aniya ng intesyong tumakbo si Jinggoy.
Magiging mahirap na naman aniya ang pagtutunggaling ito nila ni Jinggoy at pag-aaksaya ng oras, pera at effort sa pangangandidato kung parehas silang tatakbo.
Sa ngayon, sinabi ni Ejercito na 80% siyang sigurado na muli siyang tatakbo sa senado sa darating na halalan.