Advertisers

Advertisers

Walang mali sa pagsali ni Duterte sa VP race – Macalintal

0 252

Advertisers

INAMIN ng mismong abogado ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na walang magiging paglabag sa batas si Pangulong Rodrigo Duterte, sakaling tumakbo ito sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Sinabi ni Macalintal, sa aspetong legal ay walang eksaktong mali sa ganitong hakbang, ngunit may ilang implikasyon din itong ipinakikita.

Ayon pa kay Macalintal, maituturing itong senyales ng kahinaan ng ruling party na PDP-Laban dahil lalabas na walang nahubog na posibleng kandidato sa pagka-bise presidente ang partido maliban sa mismong pinakamataas na opisyal ng grupo.



Si Macalintal ay dati ring tumakbo bilang senador noong 2016 elections, ngunit hindi pinalad sa ilalim ng Otso Diretso slate ng Liberal Party.