Advertisers
IPAGBABAWAL na ng Commission on Elections (COMELEC) ang public display of affection (PDA) tulad ng paghalik, beso-beso at shake hands sa pangangampanya sa darating na 2022 elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bahagi na ng campaign system sa bansa ang PDA, subalit dahil sa banta ng covid-19 ay hindi na muna ito papayagan.
Ilan sa mga PDA na ginagawa ng nga pulitiko ay ang pagkarga at paghalik sa mga bata at paghawak sa kamay ng mga botante.
“Public displays of affection used to be part of the whole idea of campaigning, as they say. Politicians go out to shake hands and kiss babies. You’re not gonna be able to do that anymore ’cause that will certainly be very risky behavior,” ani Jimenez.
Gayunman, hindi naman ipagbabawal ang mga mass gatherings subalit kailangan pa rin itong kontrolin at i-regulate, habang hindi rin papayagan ang pamumudmod ng mga pagkain habang nangangampanya. (Jonah Mallari)