Advertisers
SINIKAP mahatiran ng mga tauhan ni Senador Christopher “Bong” Go ng mga pagkain at non-food aid ang libong pamilya ng bayan ng Loreto, Dinagat Islands kung saan naapektuhan ang buhay at kabuhayan dahil sa Covid-19.
“Mga kababayan, napakahirap ng panahon natin ngayon. Ganito ang sitwasyon hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Dahil sa pandemya, marami ang nagsarang negosyo at nawalan ng trabaho, kasama na dito ang mahigit kumulang na 500,000 na overseas Filipinos workers,” pahayag ni Go sa kanyang video message.
“Kaya sa panahon ngayon, dapat magkaisa at magbayanihan tayo. Magmalasakit tayo sa ating kapwa Pilipino upang malampasan natin ang krisis na ito,” panawagan ni Go.
Namahagi ang mga tauhan ni Go’ ng mga pagkain, bitamina, masks at face shields sa mga benepisyaryo, na binubuo ng 1,077 households, sa Barangays San Juan at Liberty covered courts mula July 7 hanggang 9.
Nagbigay din sila sa mga piling benepisyaryo ng bisikleta, bilang alternatibo ng transportasyon, habang ang ilan nabigyan ng mga pares ng sapatos. Ang iba tumanggap ng computer tablets para makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak habang nasa bahay.
Bilang karagdagan, nagbigay din ng tulong ang mga teams ng iba’t ibang pambansang ahensya para maibsan ang epekto ng pandemya sa mga lokal na pamayanan.
Nagbigay ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), habang ang Department of Agriculture (DA) nagbigay ng mga vegetable seedlings. At ang Department of Health (DoH) nagbigay ng mga hygiene kits at gamot sa lokal na pamahalaan ng Loreto para ipamahagi sa kanilang mga constituents.
Bukod dito, nag-aalok ang Technical Education and Skills Development Authority ng scholarships sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI), nagsagawa ng assessments para sa kani-kanilang mga programa sa pagtulong.
“Nagpapasalamat ako kay President (Rodrigo) Duterte at kay Senator Bong Go. Maraming salamat sa kanilang dalawa para sa tulong ng kanilang ibinigay sa mga mahihirap dito sa Loreto,” wika ni Danilo Eulatriz, isa sa mga benepisyaryo.
Ang Senador, bilang Chair ng Senate Committee on Health, nangako ng tulong sa sinumang benepisyaryo na nangangailangan ng medical treatment. Sinabi nitong madaling makakakuha ng medical assistance buhat sa Malasakit Center sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City o kahit alin sa 127 pang Malasakit Center na matatagpuan sa buong bansa.
Ang Malasakit Center ang one-stop shop para sa medical assistance programs ng DOH, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Natulungan na ng nasabing centers ang mahigit sa dalawang milyong pasyente simula pa noong 2018.
Nais ipaabot ni Go ang kanyang pasasalamat sa mga public officials sa kanilang pagsisikap na mabigyang proteksiyon para huwag kumalat ang Covid-19 sa mga lokal na komunidad. Kabilang sa kanyang pinasalamatan sina Representative Alan Ecleo, Governor Arlene Bag-ao, Vice Governor Nilo Demerey, Jr., Board Member Errol Dela Cruz, Mayor Doandre Ladaga at Vice Mayor Richard Tan.
Kinilala din ni Go ang pagtulong nina Councilors Joshua Luib, Absalon Colandog, Edilberto Abayan, Alfonso Gajol, Neil Limpioso, Gordiaco Cabas, Jr., at Eileen Daguinod; Association of Barangay Councils President Roger Ramos; at Sangguniang Kabataan Federation President Cecile Faith Model.
Nangako ang Senador na patuloy na susuportahan ang mga mahihinang residente ng lalawigan sa gitna ng pandaigdigang pandemya. Sinuportahan din nito ang pagpopondo para sa pagtatayo ng mga bagong kalsada mula sa Jct. Dapanas hanggang Roma, isang seawall sa Brgy. Catadman sa Basilisa, at isang multi-purpose building sa Tubajon sa pagsisikap na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.
Nagpaabot din ng tulong ang kanyang team sa 91 typhoon victims sa Loreto noong Mayo 27. Ang lahat ng kanilang mga aktibidad, isinagawa sa mahigpit na pagsunod sa mga health and safety protocols laban sa Covid-19.