Advertisers
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang National Capital Region (NCR) sa normal na General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong araw Hulyo 16 hanggang 31.
Sa isang video message nitong Huwebes, Hulyo 15, inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukod sa Metro Manila. Nasa 29 pa mga lugar ang isinailalim sa normal GCQ kabilang ang Baguio City; Apayao; City of Santiago, Isabela; Isabela; Nueva Vizcaya; Quirino; Bulacan; Cavite; Rizal; Quezon; Batangas; Puerto Princesa City; Guimaras; Negros Occidental; Zamboanga Sibugay; City of Zamboanga; Zamboanga del Norte; Davao Oriental; General Santos City; Sultan Kudarat; Sarangani; Cotabato; South Cotabato; Agusan del Norte; Surigao del Norte; Agusan del Sur; Dinagat Islands; Surigao del Sur at Cotabato City.
Ang mga sumusunod na lugar ay inilagay sa GCQ with heightened restrictions, maliban sa apat: Cagayan; Laguna; Lucena City; Naga City; Aklan (hanggang Hulyo 22); Bacolod City (hanggang Hulyo 22); Antique (hanggang Hulyo 22); Capiz (hanggang Hulyo 22); Negros Oriental; Zamboanga del Sur; Davao City.
Ang lalawigan ng Laguna, ang nag-iisang lugar sa NCR plus bubble area ay mananatili sa GCQ with heightened restrictions.
Siyam na lugar naman ang isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Hulyo 16 hanggang Hulyo 30, maliban sa dalawa: Bataan; Iloilo City (hanggang Hulyo 22); Iloilo (hanggang Hulyo 22); Cagayan de Oro City; Davao Occidental; Davao de Oro; Davao del Sur; Davao del Norte; Butuan City.
Ayon kay Roque, ang quarantine classification ng Iloilo province at Iloilo City ay pinag-aaralan pa kung magbabago ang numero nito.
“Kung hindi po mag-improve ang ating mga numero, ay posible po na mabago muli ang classification ng Iloilo City at Iloilo,” ani Roque.
Giit ni Roque na ang pagluluwag sa restrictions ay nakadepende sa datos ng COVID-19 sa lugar. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio/Jonah Mallari)