Advertisers

Advertisers

Underspending ng PNP sa kanilang intel fund silip ng Senado

0 241

Advertisers

PATUNAY lamang na hindi kailangan ng pamahalaan ang multi-bilyong alokasyon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para ngayong taon at sa 2022.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon makaraang hindi nagamit ang P636 milyong anti-insurgency funds ng Philippine National Police (PNP).

Ginawa ni Drilon ang pahayag makaraang iulat ng Commission on Audit (COA) na 12 percent lamang o P86.57 milyon ang nagamit ng PNP mula sa P722.96 milyong anti-insurgeny funds na natanggap nila noong nakaraang taon.



Aniya, kapag binigyan pa ang NTF-ELCAC ng government funds, mauubos na ang limitadong resources ng bansa.

Kailangan aniya na nga lang pagkasyahin ang limitadong pagkukunan ng pondo para maayudahan ang milyun-milyong mga walang trabaho at nagugutom na mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Giit pa ng senador, kung ipipilit na pondohan pa ang anti-insurgency funding sa 2022 national budget kasunod ng findings ng COA, maghihinala lamang ang publiko na isang malaking “campaign kitty” ang NTF-ELCAC. (Mylene Alfonso)