Advertisers

Advertisers

GRO na kasama sa hotel ng nag-amok na Fil-Chinese businessman lumutang

0 350

Advertisers

KUSANG loob na nagbigay ng salaysay sa pulisya ang Guest Relation Officer (GRO) na nakasama sa buong magdamag ng Fil-Chinese na nagwala at nag-amok sa Sogo Hotel at hinabol ng mga pulis mula Quezon City hanggang Maynila nitong Martes ng umaga.

Nagtungo sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10 na pinamumunuan ni Lt. Colonel Alex Alberto ang GRO na itinago sa pangalang ‘Tin Tin’, 21 anyos, upang kasuhan ng paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Person si Arvin Tan, 46, residente ng No. 49 C 11 corner Gilmore St., New Manila, Quezon City.

Sa sinumpaang salaysay ni Tin Tin, isinama siya ni Tan sa Sogo Hotel subalit hindi siya binayaran matapos ang pakikipag-sex sa kaniya.



Ayon kay Tin Tin, ini-refer siya ng kaibigan niya kay Tan na regular guest nila sa club na kaniyang pinagtatrabahan.

Lumalabas na nag-message pa sa viber si Tan kay Tin Tin at pinabili muna siya ng Robust capsule bago pumunta sa Hotel.

Nang nasa kuwarto na ng hotel, sinabihan ang GRO ni Tan na.. “Tayo ka lang diyan, hubarin mo short mo!”

“Hinubad ko na lahat ng damit ko, tapos humiga ako, tapos nakikita ko na may sinisindihan siyang foil at may usok. Tapos binuksan niya ‘yung TV, tapos humiga na siya at nag-umpisa na akong magtrabaho sa kaniya,” nakasaad pa sa salaysay ng GRO.

Nagpahinga kami ng konti at nakita ko na sinusunog niya ang kanyang cellphone gamit ang lighter. Tapos nagsalita siya ng “Kailangan kong labasan, kasi hirap akong umihi, may barado, tapos nag-start na ulit kami,” ani Tin Tin.



Pagkagising ni Tin Tin, nakita na lamang niyang inaaway ni Tan ang room boy at nang magkagulo na sinabihan siyang ipapadala nalang ang bayad nito saka tumakas.

Matatandaan na noong Martes, July 13, maraming sasakyan ang binangga ni Tan sa kalsada para takasan ang mga operatiba ng QCPD na aaresto sa kaniya dahil sa hindi pagbabayad ng bill sa hotel at sa halip ito pa ang nanghihingi ng P20,000 sa mga staff.

Nagawa namang madakip si Tan ng mga humabol na Pulis-QC at Manila Police District (MPD) sa kahabaan ng Recto Ave. corner Nicanor Reyes St., sa Maynila.

Nahaharap si Tan sa mga kasong paglabag sa RA 10586 (An Act Penalizing Persons Driving Under the Influence of Alcohol, Dangerous Drugs and Similar Substances, and for Other Purposes), Section 11 of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Estafa (Non-Payment), Reckless Imprudence Resulting in Damage to Government Property, Resistance and Disobedience to a Person in Authority, at RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) sa Office of the Assistant City Prosecutor (ACP).

Minsan naring nag-amok si Tan sa MPD Headquarters noong September 2017, at may nakabinbing mga kaso na Direct Assault, Usurpation of authority, Malicious Mischief, resulting to Damage to Property, Unjust Vexation, Anti-Littering, Alarm at Scandal, Resistance and Disobedience of Lawful Authority, matapos na mahuling kinukunan nito ng video ang witness sa ‘fatal hazing’ ng law student ng University of Santo Tomas (UST).