Advertisers

Advertisers

11 local transmission ng Delta variant naitala ng DOH

0 199

Advertisers

NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng mga kauna-unahang lokal na kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isinagawa nilang pinakahuling genome sequencing run ay nakatukoy pa sila ng 16 bagong Delta variant cases, sanhi upang umabot na ang kabuuang mga kaso nito sa 35.
Sa bagong bilang, 11 ang lokal na Delta variant cases at lima naman ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Sinabi ni Vergeire na sa 11 local cases, dalawa ang natukoy sa Metro Manila at isa sa mga ito ang namatay habang isinusugod sa pagamutan noong Hunyo 28 samantalang ang isa pa ay nakarekober na mula sa COVID-19 noong Hunyo 23.



May anim na Delta variant cases din na natukoy sa Region 10 at ang lahat ng mga ito ay nakarekober na.

Ang isang lokal na kaso ng sakit ay natukoy sa Metro Manila ngunit may address naman sa Region 3. Ang pasyente ay nakarekober na rin matapos na dapuan ng karamdaman noong Hunyo 27. Ang dalawa pang lokal na kaso ay natukoy naman sa Region 6 at nakarekober na rin matapos na magkasakit noong Mayo 27.

Samantala, sa limang ROFs naman, isa ang dumating sa bansa mula sa United Kingdom noong Abril 26 at na-tagged na bilang recovered matapos ang 14-day quarantine.

Dalawa pa sa kanila ang dumating mula sa Qatar noong Hunyo 15 at gumaling na rin mula sa karamdaman. Bineberipika pa umano ng DOH ang arrival date at quarantine status ng dalawa pang ROF cases. (Andi Garcia/Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">