Advertisers

Advertisers

Maraming mag-aaral ‘di natuto sa online learning sa remote areas

0 226

Advertisers

MARAMING mga mag-aaral ang hindi nakakapag-aral ng tama sa ilalim ng remote learning setup ayon sa lumabas na resulta sa online survey ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE).

Ang online survey ng SEQuRE ay isinagawa mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 2 na binubuo ng 1,278 na guro, 1,299 na Grades 4 hanggang 12 na students at 3,172 na magulang na karamihan ay galing sa National Capital Region.

Lumabas sa survey na 86.7 percent ng mga mag-aaral sa ilalim ng modular learning, 66 percent sa ilalim ng online learning at 74 pecent sa blended learning ang nagsabing hindi sila natututo sa alternative modes ng pagtuturo kumpara sa tradisyunal na face-to-face setup noon bago ang pandemic.



Tanging 5.4 percent lamang sa mga mag-aaral ng blended learning, 5.7 percent sa modular learning at 9.1 percent sa online learning ang nagsabing sila ay mas natuto.

Nasa 24.8 percent ng mag-aaral sa ilalim ng online learning, 20.7 percent sa blended learning at 7.6 percent sa ilalim ng modular learning ang naniniwalang mas maraming natutunan kumpara sa normal na pag-aaral bago ang pandemya.

Noong Hulyo 10 ay nagtapos na ang School Year 2020-2021.