Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,411 bagong kaso; 5,439 gumaling; 117 nasawi

0 194

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 5,411 bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Hulyo 18.

Batay sa case bulletin no. 491, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,507,755 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Gayunman, sa naturang bilang, 47,190 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa o 3.1% ng total cases.



Sa aktibong kaso, 91.9% ang mild cases, 2.7% ang severe, 1.9% ang asymptomatic, 1.88% ang moderate at 1.6% ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng panibagong 5,439 na mga bagong gumaling sa karamdaman, sanhi upang umakyat na sa 1,433,851 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.1% ng total cases.

Samantala, mayroon din namang 117 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng virus.

Sa ngayon umaabot na sa 26,714 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.77% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden/Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">