Advertisers
SINIGURO ni Senador Manny Pacquiao na hindi apektado ang kanyang training sa nalalapit na big fight kontra sa American champion na si Errol Spence kaugnay sa kanyang pagiging presidente ng partido PDP-Laban.
Sinabi ni Pacquiao, ang pagtungo niya sa Amerika ay para sa laban na kanyang alay sa bayan.
Ayon pa kay Pacquiao, hindi naman daw siya natutulog lamang sa pansitan.
Alam umano ng senador na grabe ang paninira sa kanya sa Pilipinas kaugnay sa kanyang paglaban sa katiwalian sa administrasyon at ang isyu sa gulo sa kanilang partido.
Binigyang-diin pa ng mambabatas na marami siyang mga kritiko na gusto siyang matalo kay Spence.
Hindi naman tinukoy ni Pacquiao kung sinong grupo ang naghahangad na siya ay mabigo sa laban, pero ayaw lamang daw niya itong isapubliko.