Advertisers
KINUKUWESTIYON ng ilang kaanak ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian ang pagkamatay nito na sinasabi ng pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) ay dahil sa COVID-19.
Kumbinsido ang ilang inmates at ilang pamilya ni Sebastian na patay na nga ito, subalit hindi dahil sa COVID-19.
Posible anilang may foul play o sadyang pinatay si Sebastian.
“Hindi po kami makapaniwala. Actually, kasi alam po namin na maayos po si Sir Jaybee”, ayon sa isang saksi na itinago sa pangalang “Magda”.
Nabatid, na si Magda ay kaanak ng isa sa inmates na itinago sa pangalang “Tonyo” ay nagpositibo sa COVID-19 kasama si Sebastian at ilan pang preso.
Natatandaan ni Magda na si Tonyo, Sebastian at iba pang high profile inmates ay nagtungo sa RT-PCR testing Hunyo 17, na makalipas ang tatlo hanggang limang araw ay lumabas ang resulta na nagpositbo sila, dahilan upang i-isolate sila mula sa kanilang selda.
Dalawang linggo ang nakalipas matapos tamaan ng virus ang ilang inmates, inilipat sila sa Site Harry, isolation facility ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Magda, kasama ang ilang kaanak ng naturang inmates ay hindi man lamang sila inimpormahan ng prison officials hinggil sa kalagayan ng mga ito.
“Meron po kaming kaibigan sa loob na nagsasabing maayos na po silang lahat. Asymptomatic nga raw po e dahil wala naman pong nararamdaman”, ani Magda.
Ngunit nagulat na lamang ang ilang kaanak ng mga inmate na patay na ang mga ito kasama si Sebastian.
Itinanggi naman ng pamunuan ng BuCor ang nasabing espikulasyon at wala anilang katototonan ang aligasyon. (Gaynor Bonilla)