Advertisers

Advertisers

Huling SONA ni Duterte dadaluhan ng 350 katao lang

0 229

Advertisers

NASA tatlong daan at limampu ang inaasahang bisita na personal na dadalo sa huling State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, kasama na sa bilang na ito ang mga senador, kongresista, government officials at iba pang VIP.

Bubuksan ang plenary para sa animnapu na mga bisita habang ang iba ay sa first at second gallery na kung saan ipatutupad ang 2-seat apart distancing.



Para sa mga dating Pangulo, nagpaabot na aniya ng kumpirmasyon si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dadalo sa SONA.

Tulad noong nakaraang taon, kailangan sumailalim sa RT-PCR test ang mga papasok sa plenary hall dalawang araw bago ang SONA at muling sasalang sa antigen test sa mismong araw nito. (Henry Padilla)