Advertisers
ITO ang nababasa ko ngayon sa pagpili ng mga botante sa mga posibleng kandidato para sa Halalan 2022.
Sa latest presidential survey ng OCTA Research, kitang-kita na hindi na popularidad ang ginagawang basehan ng mga botante sa gusto nilang sunod na mamumuno sa bansa.
Tulad nitong pagtalon ng ranking ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa presidential survey ng OCTA Research. Nangangahulugan lamang na handa na nga ang mga tao na bumoto sa mga kandidatong hindi lamang popular kundi kwalipikado.
Kumbaga, gising na ang diwa ng mga botante sa kung sino ang dapat na ibobotong mga lider ng ating bansa.
Sa survey ng OCTA Research mula July 12- 18, 2021, umakyat sa 5% ang score ni Cayetano mula sa dating 3% na score nito. Magkapareho na sila ng ranking ni Vice President Leni Robredo.
Mukhang ine-enjoy ngayon ni Cayetano ang naisip o napagtanto ng mga botante na mas mahalaga para sa isang kandidato na makatulong sa ating mga kababayan at hindi lamang dahil sila ay popular o sikat. Mismo!
Sa kasalukyan, halos naungusan ni Cayetano si Robredo na matindi ang media mileage mula pa noong nakaraang taon.
Limitado lamang ang media mileage ni Cayetano ngunit hindi ito naging dahilan para gumanda ang kanyang ranking sa OCTA Research presidential survey.
Wala kasing tigil si Cayetano sa pagbibigay ng 10K ayuda at P3,500 na puhunan sa sari-sari stores para makatulong sa ating mga kababayan na iginupo ng COVID-19.
Sa panahon ng pandemya talaga makikita kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ang nagtatrabaho at nagpapasarap lang sa buhay. Mismo!
Salamat sa mga tulong mo sa ating mga kababayang hikahos ngayong pandemya, Vice este Congressman Alan!
***
Pacquiao hahabulin ang trolls; at upak ni ex-Speaker Alvarez kay Du30
KUMUHA ng grupo ng magagaling na abogado si Senador Manny Pacquiao para kasuhan ang trolls na nagdadawit sa kanya sa katiwalian para masira sa kanyang pagkatao.
Hiniling din ni Pacquiao sa National Bureau of Investigation (NBI) na tukuyin ang trolls at kung sino ang nasa likod ng mga ito.
Sabi ng boxing Senator, ang troll na ito ay gumagawa ng pera para sirain ang matitinong opisyal tulad niya na kahit kailan daw ay hindi siya nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Si Pacquiao ay kasalukuyang nasa matinding training sa Estados Unidos para sa kanyang malaking laban sa Agosto 21 laban kay IBF/WBC welterweight champion Errol Spence.
***
Hayagang sinabi ni dating House Speaker at masugid na kaalyado ni Pangulong Rody Duterte na si Congressman “Bebot” Alvarez na dismayado siya sa pamumuno ni Duterte.
“Having supported the President noong tumakbo siya, ‘yung expectation ko malaki. Now natapos na ‘yung term, I should be frank enough to say na I am disappointed.”
Si Alvarez ang unang speaker nang maupo si Duterte noong 2016. Naalis siya sa puwesto dahil kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Pinalitan siya ng dati niyang boss na si ex-Pres. Gloria M. Arroyo. Anti-Duterte na siya ngayon.