Advertisers
PAIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical supplies sa gitna ng banta ng COVID-19.
“Makikipag-ugnayan at tulungan ang PNP sa DTI (Department of Trade and Industry) para silipin ang sinasabing hoarding ng oxygen tanks, lalo na sa Cebu City,” ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar.
Inatasan ni Eleazar ang Cebu City Police at Regional Criminal Investigation and Detection Group na makipag-ugnayan sa local DTI office.
Bubusisiin narin kung mayroon hoarding sa iba pang lugar partikular na sa Metro Manila.
“Hindi biro ang sitwasyon natin ngayon. Mga buhay ang nakasalalay sa sapat na suplay ng oxygen tanks. Mas kailangan natin ngayon ang pagkakaisa para pagtulungang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.” (Mark Obleada)