Advertisers
PINAIIMBESTIGAHAN na ni Philippine National Police Chief Guillermo Eleazar ang di umano’y nagaganap na “hoarding” ng mga oxygen tanks at mga medical supplies sa kabila ng patuloy na banta ng covid-19.
Inatasan na ni Eleazar si Cebu City Police at Regional Criminal Investigation and Detection Group na magsagawa ng imbestigasyon sa diumano’y nagaganap na “hoarding” ng oxygen tank at iba pang medical supplies.
Ayon kay Eleazar ang kautusan ay base na rin sa panawagan ni Cebu City Vice Mayor sa mga otoridad at Department of Trade and Industry na imbestigahan ang nagaganap na hoarding ng oxygen tanks.
“Makikipag-ugnayan at tulungan ang PNP sa DTI para silipin ang sinasabing hoarding ng oxygen tanks, lalo na sa Cebu City,” ani Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na pinaaalarma na rin niya kung mayroon na rin nagaganap na hoarding ng mga oxygen tanks at medical supply sa National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa.
Nanawagan naman si Eleazar sa publiko na iwasan o huwag mag-hoarding ng mga oxygen tank at medical supplies. (Mark Obleada)