Advertisers

Advertisers

DOH: Mga ospital sa NCR malapit ng mapuno, covid surge ngayon mas malala

0 210

Advertisers

NASA high risk category na ang National Capital Region (NCR) dahil sa mabilis na pagtaas ng covid cases na pinaniniwalaang dulot ng Delta variant.

Ayon sa Department of Health (DOH), umakyat sa high risk category ang Metro Manila matapos makapagtala ng mahigit 2 libong new cases sa loob lang ng isang araw.

Sa Philippine General Hospital, ay halos puno na ang mga ICU beds at regular covid ward.



Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng mga bata na tinatamaan ng covid. Karamihan sa mga ito ay severe cases na kailangan pa intubate.

Samantala, sa St. Luke’s Medical Center ay nasa 70-75% na ang occupancy rate.

Ayon kay Dr. Benjamin Campomenas, inaasahang mapupuno ang kanilang mga hospital beds sa darating na linggo.

Karamihan umano sa mga na-aadmit na pasyente ay hindi mga bakunado at nasa 30- 50 anyos.

Ang Metro Manila ay isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6-20. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">