Advertisers

Advertisers

Vaccination sites sa Maynila dinagsa bago ang ECQ sa Metro Manila

0 266

Advertisers

MADALING-ARAW palang ay itinigil na ng Manila City government ang pagtanggap ng walk-in Covid-19 vaccinees.

Alas-3:00 ng madaling araw ay itinigil na ang pagtanggap ng walk-in vaccinees dahil maagang naabot ang cutoff na 2,500 doses kada vaccination site.

Sa isang Facebook post ng Manila Public Information Office (PIO), sinabi nito na ang kanilang vaccination sites sa mga mall, partikular sa Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, at SM Manila, ay hindi na tatanggap ng karagdagang tao na pipila.



Ang pagtuturok naman ng Covid-19 vaccines sa SM San Lazaro ay kanselado.

Alinsunod narin ito sa request ng management ng mall para matiyak ang kaligtasan ng publiko dahil sa mahabang pila na naitala madaling araw pa lamang ng Huwebes.

Noong Martes lang ay hinimok ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang publiko na iwasan muna ang walk-in vaccination para maiwasan ang mass gathering at superspreader events.(Jocelyn Domenden)