Advertisers
NAGA CITY – Nasawi ang isang pulis sa salpukan ng dalawang kotse sa Barangay Pinit, Ocampo, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Staff Sergeant Bernard Picaso, 35 anyos, ng Barangay Hibago sa nasabing bayan, at nakadestino sa Tigaon Municipal Police Station.
Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), habang binabaybay ng biktima ang nasabing kalsada nang makasalpukan nito ang kasalubong na kotse na minamaneho ni Fe Castro, 65, kasama si Epifannio Regondola, 69.
Kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima.
Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot ng buhay si Picaso.