Advertisers

Advertisers

Covid update: 8,560 bagong kaso; 7,964 gumaling; 92 nasawi

0 437

Advertisers

MULING nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,560 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Agosto 11.

Samantala ay mayroon namang naitalang 7,964 na gumaling at 92 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (79,016) ang aktibong kaso, 93.5% (1,567,920) na ang gumaling, at 1.74% (29,220) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 8, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 labs na ito ay humigit kumulang 2.8% sa lahat ng samples na nai-test at 2.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)