Advertisers

Advertisers

Isko, nagbigay ng amnesty sa mga traffic violators

0 338

Advertisers

GOOD news sa lahat ng drivers ng kotse, jeepneys, trucks at taxi na may libu-libong pisong pagkakautang bilang penalties sa paulit-ulit na traffic violations sa Maynila.

Sa isang zoom interview ng mga members ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga violators ay kailangan na lamang bayaran ang kanilang first violation at hindi na kailangang mag-alala pa sa mga penalties, interests at surcharges nito.

Sinabi ni Moreno na may mga operators na humingi ng tulong sa city government sa pamamagitan ni office of city administrator Felix Espiritu, matapos na umabot sa halagang P600,00 hanggang P800,00 ang penalties sa traffic violations ng kanilang mga drivers.



Base sa request, sinabi ng alkalde na nakipag-usap siya kay Vice Mayor at Manila City Council Presiding Officer Honey Lacuna na lumikha ng isang city ordinance na magkakaloob ng amnestiya sa mga violators.

Ipinaliwanag ng alkaldehe na tali ang kanyang kamay sa mga bagay na ito dahil may mga alituntunin sa mga paglabag na sakop ng ilang batas na kailangan ng amyendahan.

Kapansin-pansin ayon kay Moreno na marami sa mga drivers ang paulit-ulit na nilalabag ang traffic regulations at binabalewala ang traffic lights kapag walang traffic enforcer, ang hindi nila alam ay automatic na nare-record ang kanilang mga violations kapag nahagip ng installed cameras sa kalye.

Ang non-contact apprehension, ayon kay Moreno ay dinisenyo upang mawala ang human intervention at mga akusasyon ng kotong sa ilalim ng sistema. Sinabi pa ni Moreno na hindi rin makapagbigay ng discount ang pamahalaang lungsod dahil sa umiiral na tax and traffic code.

“Recidivists, or those who have repeated violations and penalties, whether they were issued tickets or billed in their home address after being caught via non-contact apprehension, will now just have to pay their first violation,” sabi ni Moreno.



Ayon pa sa alkalde, hindi na kailangan pang magbayad ng penalties, surcharges at interests na naipon.

Sinabi ni Moreno sa MACHRA na ito ang kanilang paraan ni Vice Mayor Lacuna ng pagpapadama ng malasakit sa mga motorista, at nanawagan sa mga ito na tigilan na ang mga paglabag sa traffic rules and regulations sa lungsod upang makaiwas sa pagbabayad ng mga violations.

Binigyang diin ni Moreno na ang pamahalaang lungsod ay hindi naghahabol sa mga penalties, gusto lamang ipaalam na may mga batas at alituntunin na dapat na kilalanin at sundin upang magkaroon ng kaayusan sa kalye.

Ayon pa sa alkalde, ito ang pangalawang pagkakataon na nagbigay ng amnesty ang pamahalaang lungsod sa motorista at ang deadline ay hanggang December 29, 2021. (ANDI GARCIA)