Advertisers

Advertisers

Guidelines sa face-to-face classes inilabas na ng DepEd

0 520

Advertisers

INILABAS na kahapon ang mga guidelines na susundin sa pilot implementation ng face-to-face classes sa bansa.

Kasunod ito ng pagpirma ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Health (DOH) ng joint memorandum circular para maikasa ang mga guidelines sa face-to-face classes.

Nakasaad sa guidelines, sinabi ni DepEd Planning Service Director Roger Masapol na mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 3 lamang ang sasabak sa face-to-face mula sa elementary level.



Ang mga mag-aaral ay dapat walang comorbidity, nakatira sa parehong lugar kung nasaan ang kanilang paaralan, na kung maaari ay walking distance lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.

Hanggang 12 din lamang ang bilang ng mag-aaral sa bawat silid-aralan para sa kinder habang hanggang 16 naman ang pwede mula grade 1 hanggang grade 3.

Samantala, ang mga senior high school students naman ay hanggang 20 lamang kada classroom ngunit ang mga senior high na may laboratory, workshop at technical vocational education ay hanggang 12 lamang.

Ang mga school personnel gaya ng mga guro ay dapat mas bata pa sa 65-anyos.

Nasa dalawang buwan din ang pilot implementation ng face-to-face classes ngunit wala pa namang ibinigay na petsa ang DepEd kung kailan ito magsisimula.



Sa kabuuan ay 120 paaralan ang makikilahok dito. (Josephine Patricio)