Advertisers

Advertisers

Beybi nakalulon ng aspile

0 403

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Naidumi na ng siyam na buwang sanggol ang nalulon nitong pushpin sa Kidapawan City.

Matatandaan na bumili ng Milktea ang ina sa isang milktea shop ngunit aksidenteng naabot ng sanggol ang pushpin sa tindahan.

Akma sanang agawin ng 17 anyos na ina ang pushpin na hawak ng sanggol ngunit mabilis niya itong nilunon.



Unang nanawagan ng tulong ang pamilya ng sanggol na maoperahan ito.

Masigla naman anya ang baby pero napansin ng ina na bloated ang tiyan nito at lumabas sa X-ray nasa bahagi na ng tiyan ng bata ang pushpin.

Sinabi naman ni Dr. Edwin Mudanza, isang surgeon sa syudad, na pwede naman anyang hindi na operahan at obserbahan lang ang bata hanggang maibawas nito ang pin, subali’t maselan anya ito sa kondisyon ng baby dahil maaring mas bumaon pa lalo ang karayom kapag nagalaw ito.

Bago lang kinumpirma ng magulang ng sanggol na lumabas na ang pushpin nang dumumi o tumae ito at laking pasasalamat ng pamilya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">