Advertisers

Advertisers

Kolektor hinoldap na, pinatay pa

0 654

Advertisers

KALINGA – Walang awang hinoldap at pinagbabaril ng riding in tandem ang kolektor ng isang microfinance company sa provincial road ng Barangay Cabaruan, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang biktima na si Ryan Christopher Subac, Micro Finance Officer ng isang kumpanya sa Bulanao, Tabuk City at tubong Gonzaga, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng Tabuk City Police Station, galing ang biktima sa Sucbot upang mangolekta ng payments ng kanilang mga kliyente.



Pagkatapos nito umalis na si Subac lulan ang motorsiko nito patungong Dagupan Centro ng nasabing siyudad.

Habang binabaybay ang provincial road na sakop ng Barangay Cabaruan, dito na pinagbabaril sa dibdib ng hindi pa nakikilalang dalawang kalalakihan.

Nawalan ng kontrol ang biktima sa motorsiklo at nahulog sa palayan malapit sa daan.

Matapos makumpirmang wala ng buhay ang biktima ay kinuha ng mga salarin ang backpack na dala ni Subac at kumaripas ng patakbo ng kanilang motorsiklo sa hindi malaman direksyon.

Dinala pa ang biktima sa pagamutan ng mga rumespundeng mga pulis subali’t idineklarang dead on arrival.



Narekober ng mga kasapi ng Kalinga Provincial Crime Laboratory Office ang apat na basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

Kagagaling lamang niyang kolektahin ang payment ng isang grupo at pupunta na sana sa isa pang grupo.

Hanggang sa ngayon, blangko pa rin ang kapulisan kung sino ang nasa likod sa pamamaslang sa naturang biktima. (Rey Velasco)